Katalogong Messier
| Pamalit pangalan | Messier Catalogue |
|---|---|
| Uri ng survey | Katalogo ng astronomiya |
| Target | nebula, planetary nebula, open cluster, globular cluster, galaksiya |
| Ipinangalan kay | Charles Messier |
| Nailathala | 1774 (paunang bersyon) |
| Band | paningin |
Ang Katalogong Messier (Ingles: Messier Catalog o Messier Catalogue) ay isang listahan ng 110 malalim na bagay sa kalawakan na pinagsama-sama ng Pranses na astronomong si Charles Messier noong 1771.[1][2]
Noong 1781, umabot na sa 103 ng mga bagay na isinama sa katalogo.[3] Kalaunan, pitong bagay ang natuklasan mula sa kaniyang mga tala at obserbasyon ang idinagdag ng mga astronomo. Kaya, ang makabagong Katalogong Messier ay binubuo ng 110 na bagay.[1]
Lumikha ni Messier ang isang katalogong mga bagay na hindi kometa.[1][4] Inilista niya ang mga nebula, galaksiya, at kumpol ng bituin na hindi gumagalaw sa kalawakan upang maiwasan ang kalituhan habang nagmamasid.[5] Ang Katalogong Messier ay isa sa mga pinakasikat na listahan ng mga bagay na pang-astronomiya. Maraming bagay sa listahan ang tinutukoy ng kanilang mga numero ng Messier. Kasama sa katalogo ang karamihan sa mga bagay na pang-astronomiya sa malalalim na kalangitan na madaling maobserbahan mula sa Hilagang Hemispero ng Daigdig.[6]
Ang katalogong ito ay isa sa mga pinakaginagamit na katalogo ng mga bagay sa kalawakan. Maraming astronomo ang nagsasagawa ng Messier marathon, isang gawain kung saan sinusubukang makita ang lahat ng 110 bagay sa loob lamang ng isang gabi kapag ang mga ito ay nakikita sa kalangitan.[7]
Listahan ng mga bagay ng Messier
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang bawat bagay sa katalogo ay binibigyan ng bilang na nagsisimula sa titik M. Halimbawa, ang M1 ay ang Crab Nebula, ang M31 ay para sa Galaksiyang Andromeda, at iba pa.
Narito ang ilang mga kilalang bagay ng Messier:
| Bilang | Pangalan | Larawan | Uri |
|---|---|---|---|
| M1 | Crab Nebula | Labi ng supernoba | |
| M13 | Great Globular Cluster sa Hercules | Pabilog na kumpol ng bituin | |
| M31 | Galaksiyang Andromeda | Galaksiya | |
| M42 | Orion Nebula | Nebula | |
| M45 | Pleiades | Bukas na kumpol ng bituin | |
| M51 | Galaksiyang Whirlpool | Galaksiya | |
| M57 | Nebulang Singsing (Ring Nebula) | Planetaryong nebula | |
| M104 | Galaksiyang Sombrero | Galaksiya |
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- 1 2 3 "Messier catalog | Deep-Sky Objects, Nebulae & Galaxies | Britannica". www.britannica.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2026-07-09.
- ↑ "Charles Messier's Original Catalog of 1771". www.messier.seds.org. Nakuha noong 2026-07-09.
- ↑ "Original Messier Catalog of 1781". www.messier.seds.org. Nakuha noong 2026-07-09.
- ↑ "Messier Catalog / Catalogue de Messier". www.datastro.eu (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2026-07-09.
- ↑ "Messier Catalog | Astronomy and Astrophysics | Research Starters | EBSCO Research". EBSCO (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2026-07-09.
- ↑ "Hubble's Messier Catalog - NASA Science" (sa wikang Ingles). 2023-03-20. Nakuha noong 2026-07-09.
- ↑ "Messier Marathon". Sky & Telescope. Nakuha noong 2026-07-09.