Pamilang na Romano
Ang mga pamilang na Romano ay isang sistema ng bilang na ginamit sa sinaunang Roma at nanatiling karaniwang paraan ng pagsusulat ng bilang sa buong Europa hanggang Huling Gitnang Panahon. Ang modernong istilo ng pagnunumerong Romano ay gumagamit lamang ng pitong titik mula sa alpabetong Latin at ipinapakita ito sa sumusunod na tala:
| Ang simbolo | I | V | X | L | C | D | M |
|---|---|---|---|---|---|---|---|
| Ang halaga ng numero | 1 | 5 | 10 | 50 | 100 | 500 | 1,000 |

Paglalarawan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Gumagamit ang mga pamilang na Romano ng magkakaibang simbolo para sa bawat kapangyarihan ng sampu, at wala itong simbolo para sa sero (z, taliwas sa notasyong panghalagang-posisyon (place value notation) ng mga pamilang na Arabe, kung saan ang mga serong nagsisilbing pananda ng puwesto ay nagpapahintulot sa iisang tambillang na kumatawan sa magkakaibang kapangyarihan ng sampu.
Dahil dito, may kaunting kakayahang umangkop sa notasyon, at hindi kailanman nagkaroon ng opisyal o pangkalahatang tinatanggap na pamantayan para sa mga pamilang na Romano. Malaki ang pagkakaiba-iba ng paggamit nito sa sinaunang Roma at naging lubhang magulo noong Gitnang Panahon. Ang mas kamakailang pagbabalik sa isang higit na klasiko na notasyon ay naging popular sa ilan, samantalang ang mga baryanteng anyo ay ginagamit naman ng ilang makabagong manunulat na naghahangad ng higit na "kakayahang umangkop".[1]
Maaari ring ituring ang mga pamilang na Romano bilang legal na may-bisang pagpapahayag ng isang bilang, gaya ng sa batas ng karapatang-ari (copyright) ng Estados Unidos bago ang pagpapatupad ng Batas ng Papapatupad ng Kumbensyog Berne ng Convention Implementation Act of 1988, kung saan ang isang "mali" o hindi malinaw na numerong ginamit sa paunawa ng karapatang-ari ay maaaring magpawalang-bisa sa paghahabol sa karapatang-ari o makaapekto sa petsa ng pagwawakas ng panahon ng proteksiyon nito.[2]
Karaniwang anyo
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ipinapakita ng sumusunod na talahanayan kung paano karaniwang isinusulat ang mga pamilang na Romano sa makabagong panahon:[3]
| Libuhan | Daanan | Sampuan | Mga yunit | |
|---|---|---|---|---|
| 1 | M | C | X | I |
| 2 | MM | CC | XX | II |
| 3 | MMM | CCC | XXX | III |
| 4 | CD | XL | IV | |
| 5 | D | L | V | |
| 6 | DC | LX | VI | |
| 7 | DCC | LXX | VII | |
| 8 | DCCC | LXXX | VIII | |
| 9 | CM | XC | IX |
Ang mga bilang na 4 (IV) at 9 (IX) ay isinusulat gamit ang notasyong pagbabawas,[4] kung saan ang mas maliit na simbolo (I) ay ibinabawas sa mas malaking simbolo (V o X), sa halip na isulat bilang IIII at VIII. Ginagamit din ang notasyong ito para sa 40 (XL), 90 (XC), 400 (CD), at 900 (CM).[5] Ito lamang ang mga anyong pagbabawas na karaniwang ginagamit sa pamantayang pagsulat.
Ang isang bilang na binubuo ng dalawa o higit pang digit na desimal ay nabubuo sa pamamagitan ng pagsasama ng katumbas na pamilang na Romano ng bawat halaga, mula sa pinakamalaki hanggang sa pinakamaliit, gaya ng mga sumusunod na halimbawa:
- 39 = XXX + IX = XXXIX.
- 246 = CC + XL + VI = CCXLVI.
- 789 = DCC + LXXX + IX = DCCLXXXIX.
- 2,421 = MM + CD + XX + I = MMCDXXI.
Ang anumang nawawalang puwesto (na kinakatawan ng sero sa katumbas nitong notasyong halaga ng puwesto) ay hindi na isinusulat, tulad din sa pagsasalita sa Latin:
Ang pinakamalaking bilang na maaaring katawanin sa paraang ito ay 3,999 (MMMCMXCIX), subalit sapat na ito para sa karamihan ng mga gamit ng mga pamilang na Romano sa kasalukuyan, gaya ng pagsulat ng mga taon:
- 1776 = M + DCC + LXX + VI = MDCCLXXVI (ang petsang nakasulat sa aklat na hawak ng Estatwa ng Libertad)
- 1918 = M + CM + X + VIII = MCMXVIII (ang unang taon ng pandemya ng trangkasong Kastila)
- 1944 = M + CM + XL + IV = MCMXLIV (maling abiso ng karapatang-sipi sa pelikulang The Last Time I Saw Paris)[2]
- 2026 = MMXXVI (this year)[a]
Para sa mas malalaking bilang (4,000 pataas), kapuwa bago at matapos ipakilala ang mga pamilang na Arabe sa Kanluran, mula pa noong sinaunang panahon hanggang sa Gitnang Panahon at makabagong panahon, gumamit ang mga gumagamit ng mga pamilang na Romano ng iba't ibang paraan upang maisulat ang mas malalaking bilang.
Mga pananda
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Ito ang taon sa Coordinated Universal Time (UTC) kung kailan huling mabago ang cache ng Wikipedia para sa pahinang ito, kaya maaaring hindi ito ganap na napapanahon at maaaring nahuhuli nang ilang oras sa kasalukuyang datos.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Adams, Cecil (23 Pebrero 1990). "What is the proper way to style Roman numerals for the 1990s?". The Straight Dope (sa wikang Ingles).
- 1 2 Hayes, David P. "Guide to Roman Numerals". Copyright Registration and Renewal Information Chart and Web Site (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2025-03-16. Nakuha noong 2026-06-03.
- ↑ Reddy, Indra K.; Khan, Mansoor A. (2003). "1 (Working with Arabic and Roman numerals)". Essential Math and Calculations for Pharmacy Technicians (sa wikang Ingles). CRC Press. p. 3. ISBN 978-0-203-49534-6.
Table 1-1 Roman and Arabic numerals (table very similar to the table here, apart from inclusion of Vinculum notation.
- ↑ Dehaene, Stanislas (1997). The Number Sense : How the Mind Creates Mathematics (sa wikang Ingles). Oxford University Press. ISBN 9780199723096. 288 pahina.
- ↑ Hazewinkel, Michiel, pat. (1990). "Numbers, Representations of". Encyclopaedia of Mathematics (sa wikang Ingles). Bol. 6. Springer. p. 502. ISBN 9781556080050. 546 pahina.
- ↑ Dela Cruz, M. L. P.; Torres, H. D. (2009). Number Smart Quest for Mastery: Teacher's Edition (sa wikang Ingles). Rex Bookstore, Inc. ISBN 9789712352164.
- ↑ Martelli, Alex; Ascher, David (2002). Python Cookbook (sa wikang Ingles). O'Reilly Media Inc. ISBN 978-0-596-00167-4.