Probiyotiko
Ang mga probiyotiko ay mga nabubuhay na mikroorganismo na nilalayong suportahan o pahusayin ang kalusugan at kagalingan ng isang organismong pinamumuhayan.[1] Karaniwang ginagamit ang mga ito sa parehong tao at hayop. Bagama't tumutukoy ang termino sa mga mikroorganismo mismo, maaaring makuha ang mga probiyotiko sa pamamagitan ng iba't ibang produkto, kabilang ang yogurt, keso, ilang binurong pagkain (tulad ng nattō), pati na rin ang mga kapsula na naglalaman ng isang baryante ng mikroorganismo o isang tinukoy na halo ng mga baryante.
Itinuturing ang mga probiyotiko bilang pangkalahatang kinikilalang ligtas (GRAS) ng Pangasiwaan ng Pagkain at Gamot ng Estados Unidos (FDA), na nagpapahiwatig ng kanilang kaligtasan kapag ginamit ayon sa nilalayon, ngunit hindi nito pinatutunayan ang kanilang bisa o mga partikular na benepisyo sa kalusugan.[2][3][4] Maraming sinasabing benepisyo sa kalusugan, tulad ng paggamot sa eksema o pagpapagaling ng mga impeksiyon sa kaluban ang kulang sa matibay na suportang siyentipiko.[5][6]
Ang unang natuklasang probiyotiko ay isang partikular na uri ng bacillus sa yogurt ng Bulgarya, na tinatawag na Lactobacillus bulgaricus. Ang pagtuklas ay ginawa noong 1905 ng Bulgarong manggagamot at mikrobiyologo na si Stamen Grigorov. Karaniwang iniuugnay ang modernong teorya sa nagwagi ng Gantimpalang Nobel na si Élie Metchnikoff, na nagpanukala noong bandang 1907 na mas matagal ang buhay ng mga magsasakang Bulgaro na kumakain ng yogurt.[7]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Hill, C; Guarner, F; Reid, G; Gibson, GR; Merenstein, DJ; Pot, B; Morelli, L; Canani, RB; Flint, HJ; Salminen, S; Calder, PC (Agosto 2014). "Expert consensus document. The International Scientific Association for Probiotics and Prebiotics consensus statement on the scope and appropriate use of the term probiotic" [Dokumento ng konsensus ng mga eksperto: pahayag ng International Scientific Association for Probiotics and Prebiotics tungkol sa saklaw at angkop na paggamit ng terminong probiyotiko.]. Nature Reviews. Gastroenterology & Hepatology (sa wikang Ingles). 11 (8): 506–514. doi:10.1038/nrgastro.2014.66. PMID 24912386.
{{cite journal}}:|hdl-access=requires|hdl=() - ↑ Program, Human Foods (2024-09-09). "Microorganisms & Microbial-Derived Ingredients Used in Food (Partial List)" [Mga Mikroorganismo at Mga Sangkap na Nagmula sa Mikrobyo na Ginagamit sa Pagkain (Bahagyang Listahan)]. FDA (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2025-11-18.
- ↑ Guarner, Francisco; Sanders, Mary Ellen; Szajewska, Hania; Cohen, Henry; Eliakim, Rami; Herrera-deGuise, Claudia; Karakan, Tarkan; Merenstein, Dan; Piscoya, Alejandro; Ramakrishna, Balakrishnan; Salminen, Seppo; Melberg, Jim (July 2024). "World Gastroenterology Organisation Global Guidelines: Probiotics and Prebiotics" [Mga Pandaigdigang Alituntunin ng Pandaigdigang Organisasyon ng Gastroenterolohiya: Mga Probiyotiko at Prebiyotiko]. Journal of Clinical Gastroenterology (sa wikang Ingles). 58 (6): 533–553. doi:10.1097/MCG.0000000000002002. ISSN 0192-0790. PMID 38885083.
- ↑ Doron S, Snydman DR (2015). "Risk and safety of probiotics" [Panganib at kaligtasan ng mga probiyotiko.]. Clin Infect Dis (Review) (sa wikang Ingles). 60 (Suppl 2): S129–234. doi:10.1093/cid/civ085. PMC 4490230. PMID 25922398.
- ↑ "Probiotics" [Mga Probiyotiko] (sa wikang Ingles). National Health Service. 24 Nobyembre 2022. Nakuha noong 7 Agosto 2025.
- ↑ France, Michael; Alizadeh, Madeline; Brown, Sarah; Ma, Bing; Ravel, Jacques (Marso 2022). "Towards a deeper understanding of the vaginal microbiota" [Tungo sa mas malalim na pag-unawa sa mikrobiyota ng kaluban]. Nature Microbiology (sa wikang Ingles). 7 (3): 367–378. doi:10.1038/s41564-022-01083-2. ISSN 2058-5276. PMC 8910585. PMID 35246662.
- ↑ Brown, Amy C.; Valiere, Ana (2004-01-01). "Probiotics and Medical Nutrition Therapy" [Probiyotiko at Medikal na Terapiyang Nutrisyon]. Nutrition in Clinical Care (sa wikang Ingles). 7 (2): 56–68. ISSN 1096-6781. PMC 1482314. PMID 15481739.