close
Pumunta sa nilalaman

Sistema

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Maaaring maging mag-isa, sarado, o bukas ang mga sistema.

Sistéma ang tawag sa grupo ng mga nakikipag-ugnayan o magkakaugnay na elemento na umaakto ayon sa mga tuntunin o paghihigpit upang maging buo. Mailalarawan ang mga sistema batay sa hangganan nito, estraktura, at silbi, na naipapahayag sa pamamagitan ng gamit nito. Pinag-aaralan ang mga sistema sa teorya ng sistema at iba pang mga agham pangsistema.

Maraming uri ng mga sistema na masusuri sa paraang kuwantitatibo at kuwalitatibo. Halimbawa, sa isang pagsusuri sa dinamika ng sistemang urbano, binigyang-kahulugan ni A. W. Streiss ang limang nagkakasalubong na sistema, kabilang na ang subsistemang pisikal at ang sistemang pang-ugali.[1] Para naman sa mga sosyolohikal na modelong naimpluwensiyahan ng teorya ng sistema, binigyang-kahulugan naman ni Kenneth D. Bailey ang mga sistema sa paraang pakonsepto, konkreto, at basal, na maaaring maging mag-isa, bukás, o saradong sistema.[2] Binigyang-kahulugan naman ni Walter F. Buckley ang mga sistema sa sosyolohiya sa paraang mekanikal, organiko, at modelo ng proseso.[3] Gayunpaman, pinag-iingat ni Bela H. Banathy ang mga pagsisiyasat sa mga sistema dahil kailangan itong lubos na maunawaan. Binigyang-kahulugan niya rin ang paghahati sa mga sistema bilang likas kagaya ng Sistemang Solar at mga dinisenyo kagaya ng mga gawang-tao na gusali.[4]

Ipinahayag ni George J. Klir na "walang klasipikasyon na kumpleto at perpekto para sa lahat ng bagay", at binigyang-kahulugan niya ang mga sistema bilang basal, tunay, at konsepto, gayundin bilang may hangganan o wala, diskreto o tuluyan, at iba pa. Kinakategorya ang mga sistema batay sa interaksyon nito sa paligid bilang bahagyang sarado at bukás. Binigyang-diin din ang pagkakaiba ng mga matigas na sistema na pawang teknikal at sumusunod sa mga pamamaraan, at mga malalambot na sistema na pawang kinasasangkutan naman ng mga tao at organisasyon.[5]

  1. Steiss, Alan Walter (1974). Urban Systems Dynamics. Lexington, Mass: Lexington Books. pp. 8–18. ISBN 0669959014.
  2. Bailey, Kenneth D. (1994). Sociology and the New Systems Theory: Toward a Theoretical Synthesis [Sosyolohiya at ang Bagong Teorya ng Sistema: Tungo sa isang Teoretikal na Sintesis] (sa wikang Ingles). New York, Estados Unidos: State of New York Press.
  3. Buckley, Walter F. (1967). Sociology and Modern Systems Theory [Sosyolohiya at Modernong Teorya ng Sistema] (sa wikang Ingles). New Jersey, Estados Unidos: Englewood Cliffs.
  4. Banathy, Bela H. (1997). "A Taste of Systemics" [Lasa ng Sistemika]. The Primer Project (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 7 Marso 2023.
  5. Klir, George J. (1969). Approach to General Systems Theory [Pagtingin sa Pangkalahatang Teorya ng Sistema] (sa wikang Ingles).